KULUNGAN
















"Nakakulong ako sa pag-aaral. Kapag ako'y nakatapos, malaya na ako."

Makakahinga na ako sa rehas kung saan limitado ang apat na taon na may gradong pinagbabasehan. Rehas kung saan maaari kang masakal at kung minsan susuko ka na. Pero... Pero, onti na lang makakalaya na ako. Lalaya na ako sa sakit ng damdamin. Lalaya na ako sa oras na bilang na bilang ang tulog ko. Lalaya na rin sa masasakit na salita, kilos at tingin na binibigay sa'kin. Minsa'y masaya, madalas hindi. Ganyan ang buhay sa kulungang ito.
Sipag, tiyaga, pasensya at pang-unawa ang puhunan. Kung wala ka nito, di ka makakalaya. Maaari kang mamatay o magpakamatay. Pero hiram lang ang buhay, kaya sulitin natin.
Kinakaya ko, tinutupad ko, ang pangako kong makakalabas din ako sa rehas, hindi na ako kakapit pa sa rehas na ito.
Madaming tumutulong, sana'y bukal sa kalooban. Salamat, salamat at kinakaya ko pa ang malayo sa inyo. Ang kulungang ito ang nagsisilbing lakas ko upang bumalik na may dalang parihabang papel at bilog na kulay gintong nakasabit sa aking leeg. Onti na lang. Malapit na... Mabubuwag na itong kulungang ito.
Malapit na... 

Comments

Popular Posts