A Spoken Word Poetry
Kapag Nakita Mo Na Siya by Maimai Cantillano Kapag nakita mo na sya, wag ka magtaka kung di ka kaagad nya makikala. Kung ano ang naramdaman mong kilig, baka iyon naman ang naramdaman n’yang inis. Kung paano mo siya titigan, baka ganun ka lang din nya lagpasan, baliwalain at hindi pansinin. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo nung nakita mo siya, baka ganun din kabilis ang pag-alis niya. At sigurado ako itataboy ka nya palayo. Kapag nangyari ‘yun, wag mo sana isiping wala ng pag-asa. Siguro sanay na lang din talaga syang mag-isa. At sa hinaba-haba ng panahon ng pag-iisa niya, iniisip nya na hindi na nya kailangan ng iba. Ng isang katulad mo na maaring magdala sa kanya sa ibang mundo. Marahil ganyan ang turo sa kanya ng buhay at pag-ibig. Ang damhin ang lahat ng sakit, ang tanggapin ang anumang ibato ng buhay. Ang palayain ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na syang muling maramdaman pa. Kaya’t kapag nakita mo na siya, hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalaka...